top of page

Steps to prepare

  • Writer: Revolving Millionaire
    Revolving Millionaire
  • Sep 23, 2018
  • 3 min read

Updated: Sep 25, 2018

Step 1 - Kilalanin natin ang ating sarili. Ang akala natin dahil ang pinag-uusapan na ay ang ating sarili, ay non-sense na kilalanin pa. Syempre araw-araw paggising natin, ito na unang nakikita natin. At sa pagtulog ito ang ating huli nating kasama. Pero ang tanong kilala na nga ba natin ang ating sarili? Ano ang ating kakayahan? Ano ang ating kahinaan? Ano ang gusto natin? Ano ang ayaw natin? Ano ang dahilan bakit tayo ay naghihirap? Ano ang kailangan para tayo ay umunlad? Subukan nating sagutin ang ilang katanungan.




ree

1. Ano ang aking hobby? Masaya ba ko dito? Pwede ba kong kumita dito?

2. Anong bagay ang aking past time habits? Masaya ba ko dito? Pwede ba kong kumita dito?

3. Kumusta ang aking kalusugan? Mataba o mapayat na ba ko ng sobra? Anong magagawa ko para maisaayos ito? Makakapag-gym na ba ko?

4. Kumusta ang kalinisan ng aking kapaligiran? Malinis ba o marumi ang aking pamamahay o trabaho? Anong magandang magagawa ko dito?

5. Kumusta ang lugar ng aking tinitiran? Magulo ba o mapayapa? May mga kaibigan ba ko dito?

6. Kumusta ang aking tahanan? Mapayapa ba o magulo ba dito? Anong kailangan para mas mapaganda pa ang kapayapaan ant kaayusan nito?

7. Kumusta ang aking pakikisama sa mga tao? Uunlad ba ako pag kasama ko sila?

Step 2 - Know your finances. Sunod nating kilalanin ang ating kakayahang pinansyal. O dami ng ating pera. May natitira pa ba sa atin? Dapat ba meron? Pag-aralan natin.


ree

1. Ano ang aking trabaho?

2. Magkano ang aking kinikita dito kada araw?

3. Magkano ang aking pamasahe papunta rito?

4. Magkano ang aking ginagastos para sa pagkain?

5. Magkano ang aking pamasahe pauwi?

6. Magkano ang natira? Ang natira i-mulptiply sa bilang ng araw ng pasok. Magkano ang natira?

7. Magkano ang aking bayarin sa bahay? Magkano ang aking bayarin sa kuryente? Magkano ang aking bayarin sa tubig?

8. Magkano ang iba ko pang gastusin? (tignan ang sample sa ibang blog) Magkano ang matitira?

9. Ano ang gagawin ko sa natira?


Step 3 - Learn your next focus. Ano ba ang kulang sa atin bakit hindi tayo umuunlad? May dapat ba na ginagawa tayo para umunlad? Sagutin natin to.


ree

1. May bangko ba ko? Magkano na ba ang ipon ko? Kumita na ba ito?

2. May utang ba ko? Magkano? Kelan ko matatapos?

3. May investment ba ko? (pag-usapan din natin to ng mas malalim sa ibang panahon.) May kita na ba kong malaki?

4. Kumusta ba ang trade? Kumita ba ko ngayong araw?

5. Ano ba ang hilig ko na pwede kong pagkakitaan sa libre kong oras? Malaki ba kita ko ngayon?

6. Ano ba ang madadaling gawin na pwede kong pagkakitaan sa libre kong oras? Maganda ba bayaran sa ganitong trabaho?

7. Magaling ba ko magtinda? Mag-alok kaya ko ng iba't - ibang gamit? pagkain? service?

8. Magaling ba ko manghikayat? Mag-ahente kaya ko ng iba't-ibang klaseng products and services?


Ngayong nasagot ko na itong mga tanong ko sa sarili. Magagawa ko na kayang ayusin ang sarili ko? Maalis ko na kaya ang mga habits ko na hindi naman napagkakakitaan? Mababawasan ko na kaya ang pagbili ng hindi ko kailangan? Mabubura ko na ba ang mga apps sa phone ko na umuubos ng aking oras na hindi ako umuunlad bilang tao? Makakapabigay na ba ako ng oras sa aking sarili? Makakapag-gym na ba ko? Makakasalamuha na ba ko sa mga tamang tao? Maiaayos ko na ba ang buhay ko?


 
 
 

Comments


Blog: Blog2

©2018 by Revolving Millionaire. Proudly created with Wix.com

bottom of page