top of page

Padaliin natin ang paliwanag sa salitang investment

  • Writer: Revolving Millionaire
    Revolving Millionaire
  • Sep 23, 2018
  • 4 min read

Investment - the action or process of investing money for profit or material result. Lalim. Basta. Ang investment ay ang pagbibigay ng ano mang gamit o pera sa isang kompanya para makatulong sa pagnenegosyo nila. Kapalit noon bibigyan kanila ng parte ng kumpanya. So kada kikita o malulugi ang kumpanya ganun din ang value ng gamit o perang binigay mo. Pwede itong lumago o mawala.


ree

Oo mawala. Well, wag kang matakot. Sa tamang paraan at pagpili hindi ka mawawalan. Wag mong isipin na napakahirap. Parang sugal lang ba sa mga lamayan, eheheh. Syempre habang wala ka pang malaking puhunan. Magsisimula ka muna sa sakla. Kung saan ikakalat mo ang pera mo kung saan pwede kang manalo o matalo. Pero pag-iisipan mong mabuti dahil alam mong wala ka pang pera gaano. Ganun din sa investment. Hindi ka magsisimula as trader. Siyempre sisimulan mo yan sa pagbubukas ng savings. Mag-iipon ka muna. Pag-aralan mo ang pasok ng pera sa iyo. Mula sa naiipon mo buwan-buwan dun ka magsisimulang mag-invest base sa pasok ng pera mo.


ree

Teka duda ka pa rin ba sa sarili mo sa pag-iinvest? Basahin mo tong maigi. Simula ng bata pa tayo ay nag-iinvest na tayo. Sa pag-aaral, nag-invest tayo ng oras at pera ng magulang naitn umaasa na uunlad tayo sa kaalaman. Teka eheheh, Umunlad naman di ba? Sa panahon na may mga sakit tayo? Nag-invest na din ang mga magulang natin sa kalusugan natin. Umaasa na huhusay ang mga pakiramdam natin. Kaya't ganundin sa pag iinvest ng pera. May iba't ibang paraan kung paano palaguin ito. May iba't - ibang kakayahan tayo para palaguin ito.


ree

Let's talk kung ano papasukin mo base sa pera mo. Kung meron kang piso halimbawa bili ka ng kausap mo. Kulang yan. Eheheh. Pero seryoso. Tignan mo to. Click mo lang ang pangalan ng bangko kung interesado ka.


Saving Account

ATM

P 100 - Eastwest ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 500 para magkaroon ka ng kita na 0.125% per annum)


P 500 - BPI ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 5,000 para magkaroon ka ng kita na 0.250% per annum)


P 2,000 - BDO ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 5,000 para magkaroon ka ng kita na 0.250% per annum)


P 2,000 - CBC ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.125% per annum)


P 2,000 - Metrobank ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.250% per annum)


P 3,000 - RCBC ATM (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.150% per annum)


P 5,000 - Sterling Bank Asia ATM (ito pag deposit mo pa lang ok na. Kikita ka na ng 0.500% per annum)


ree

Passbook

P 5,000 - Eastwest Passbook (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.125% per annum)


P 10,000 - BPI Passbook (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 25,000 para magkaroon ka ng kita na 0.250% per annum)


P 5,000 - BDO Passbook (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.250% per annum)


P 5,000 - CBC Passbook (wala pang kikitain yan, open palang. Kailangan atleast P 10,000 para magkaroon ka ng kita na 0.125% per annum)


P 10,000 - Metrobank Passbook (ito pag deposit mo pa lang ok na. Kikita ka na ng 0.250% per annum)


P 10,000 - RCBC Passbook (ito pag deposit mo pa lang ok na. Kikita ka na ng 0.150% per annum)


Kung hindi mo naman kakailanganin ang pera mo kaagad. Pwede mong ipasok ang pera mo sa time deposit. Dito medyo mas mabilis mo pwede makuha ang dividendo ng pera mo.

Ano ang pagkaka-iba? Sa savings may access ka sa pera mo anytime. Pwede mo mawithdraw pag may GUSTO kang bilhin. So, the value will depreciate kasi babawasan mo ang capital. Sa Time Deposit, di mo magagawa yun kasi bago mo ma-withdraw yun if wala pa sa time, ang dami mong dapat i-fill-up. Yung tipong pag pinakita sayo at maliit lang naman iwi-withdraw sasabihin mo sa teller o attendant na "Thanks for the time, balik na lang ako sa maturity date."

ree

Time Deposit**

P 1,000 - BDO Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 30, 60, 90, 180 at 360 days with up to 0.500% earnings)


P 1,000 - Sterling Bank of Asia Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 30, 60, 90, 180 at 360 days with up to 2.500% earnings)


P 5,000 - CBC Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 90, 180, at 360 days with up to 0.950% earnings)


P 5,000 - RCBC Time Deposit ((dito pwede ka nang mamili from 30, 45,60, 90, 180, at 365 days with up to 1.625% earnings)


P 10,000 - Eastwest Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 30, 60, 90, 180, 270 at 360 days with up to 1.500% earnings)


P 10,000 - Metrobank Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 30, 60, 90, 180, at 365 days with up to 0.500% earnings)


P 50,000 - BPI Time Deposit (dito pwede ka nang mamili from 36, 63, 91, 182, at 364 days with up to 0.875% earnings)

**nagbabago rate ng interest base sa laki at tagal ng Time Deposit mo.


Yan muna ang pagpilian nyo para makapagsimula. Para di kayo mabugbog ng info overload. Read Part 2 dun natin papasukin ang investments. Pero sa ngayon maganda kung makapagsimula ka muna. Kahit savings account. Unang step na yun ng preparation for financial freedom. Naks, Pumi-freedom. Pero seriously. Start with basic. Kailangan ng pagdadalan ng pera nyo pag kumita kayo sa stocks. So better have a savings account wether ATM or Passbook, ok na yan. Yung time deposit Kung gusto nyo magpalago muna. Yan ang paraan. Walang talo dyan. Diskarte dyan. TD tapos pagkuha, pasok mo ulit kasama yung kinita mo, tapos ganun ulit, paikot ikot lang siya hanggang lumaki. Ask about taxes sa mga bangkong pagpapasukan nyo ng TD ha. OK sana ma-engganyo ko kayo na mag-save at maginvest. Yun talaga target ng site ko na to e. Wala kong matatanggap dyan sa mga bangko na yan. Nag-set-up lang ako ng ganito para madali kayo makapag-desisyon saka makapag-start.


Happy Savings!!! Future Millionaires!!!


 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


Blog: Blog2

©2018 by Revolving Millionaire. Proudly created with Wix.com

bottom of page